Saturday, April 11, 2009

Alay sa Tita Quesang

Dahil sa haba ng video at sa limitasyon ng youtube ng 10 minuto bawa't video, nahati sa tatlong bahagi and Alay na ito ng sicaa_comm sa lahat ng hindi nagkaroon ng pagkakataon na mismo ay makibahagi dito. Bukod tanging pag-aalay sa aking Tia na si Roquesa Bendana na ngayon ay may karamdaman at ng binisita ko siya matapos ang pursisyon, humiling siyang makunan kalapit ni Sta Veronica. Dahil puno na ang memory ng digicam ang larawang ito ay kinunan sa papagitan ng cellphone. Ngayong Easter, mapapanood din ng Tita Quesang ang Video ng Pursisyon. Siyempre alam ng marami, pati na si Fr. Raymong Arre na nakilala lang ako noong pumunta ako sa U.P. Chapel ng mabanggit ang pangalan ni Ka Quesand. Matagal siyang naging Guro at Registrar sa San Ildefonso College. Doon sa video ay mapapanood ang "Stabat Mater" sa kumpas ni Ed Custodio ng HS Class 1952 at ng mga umaawit at isa dito ay si Riby John Catambay Timtiman ng HS Batch 2009. (naka polong dilaw). Naparami ring Ildefonsians na sumama sa Pursisyon mula sa Elementary hanggang College.

Para mapanood ang "Playlist " ng 3 Video sa "Pursisyon Sa Biyernes Santo i-click lang po ang link http://www.youtube.com/profile?user=mcsicaafaith&view=playlists

O kaya'y panooring siya sa homepage ng mcsicaafaith channel
http://www.youtube.com/user/mcsicaafaith


HAPPY EASTER PO SA LAHAT !

No comments:

Post a Comment