Friday, August 28, 2009

Pagmumuni sa ika 22 Linggo fw ni Fr. Cris Pine OFM HS94, Jerusalem


Higit na masusukat ang lalim ng ating pananalig hindi sa mga panlabas na gampaning pangrelihiyon na namamalas mula sa ating buhay pananampalataya. Lalo na kung ginagawa natin ang mga ito sa makasariling dahilan. Ang ating pananampalataya ay titimbangin sa pagkalingang ating naipadarama sa mga balo at ulila, at sa marami pang dukha na napagsasamantalahan sa lipunan-- minsan maging sa ngalan ng relihiyon.

cris ofm
SHALOM

Panoorin ang isang power point "BIBLE READING" mula kay Fr Cielito Almazan OFM ng OFM Philippines sa pag "Click" ng "LINK" sa ibaba.
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/60

Friday, August 21, 2009

Pagmumuni sa ika 21 Linggong Pangkaraniwan mula kay Fr. Cris sa Jerusalem


Saan nga ba tayo patutungo? Na kay Hesus ang mga salita ng buhay na walang hanggan. Marami ang hindi makatanggap sa kanyang salita dahil sa kaakibat nitong hamon na dapat gampanan. Sya ang salita at sya rin ang tinapay. Ang hamon ay ang ating mapagsumikapang i-ayon ang ating buhay sa pananampalatayang ating ipinahahayag, buhay na magsisilbing tinapay para sa ikabubuhay ng kapwa.

cris ofm
SHALOM


Panoorin ang isang powerpoint "Bible Reading" mula kay Fr. Cielito Almazan OFM ng OFM Pilipinas sa pag-klik ng "link" sa ibaba.
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/58

Sunday, August 16, 2009

Reflections on 20th Sunday forwarded by Fr. Cris Pine OFM HS94, Jerusalem


Ang pagtanggap kay Hesus bilang tinapay na nagbibigay-buhay ay isang paanyaya para sa isang malalim na pakikipag-ugnayan sa kanya. Ito ay nagangahulugan na tayo ay maging kagaya Niya na sya nating tinatanngap, na laging handang mag-alay ng sarili. Ang tumatanggap sa kanya ay hindi hiwalay sa kanya. Ang nag-aalay ng sarili ay may buhay na walang hanggan.


cris ofm
SHALOM

Panoorin ang isang powerpoint bible reading mula kay Fr. Cielito Almazan OFM ng OFM Philippines sa pagKLIK ng "link" sa ibaba
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/57

Pinost ni mcsicaa ngayon lamang dahil sa pagkakaroon ng problema sa computer mula Biyernes hanggang Linggo. Pasensya na po.

Friday, August 7, 2009

From Jerusalem : Reflections on 19th Sunday Forwarded by Fr. Cris Pine OFM HS94


Ang bawat himala na ipinamalas ni Hesus ay paanyaya sa pagbabago ng kalooban. Ang himala ng pagpaparami ng tinapay ay di lamang nagtatapos sa pagkabusog ng mga taong kanyang pinakain, ito ay nagpapatuloy sa usapin ng pagtanggap o hindi pagtanggap sa kanya bilang tinapay na bumaba mula sa langit.

Kapag tunay nating natanggap na sya mismo ay bumaba upang mayroon tayong mapagbahaginan ay matutunan din nating bumaba para mayroon din namang mapagbahaginan ang iba. Ang ganito ay isang napakagandang himala.

cris ofm
SHABBAT SHALOM

Panoorin ang isang poerpoint bible reading mula kay Fr. Cielito Almazan ng OFM Philippines pag-"CLICK" ng
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/50

Pakinggan ang isang music video na pinamagatang "JESUS THE BREAD OF LIFE"
sa pag "CLICK" ng "LINK" na ito.
http://www.youtube.com/watch?v=o2gQawQ7F0A&feature=related

Maraming salamat kay Fr. Cris Pine OFM na nagforward ng Reflections na ito.
Mapayapang "week-end" sa LAHAT
mcsicaa

Saturday, August 1, 2009

Reflections for 18th Sunday forwarded by Fr. Cris Pine OFM HS94, Jerusalem


Si Hesus ang tinapay ng buhay, ang pagkaing pumupuno hindi lamang sa pangangailangan ng ating gutom na katawan kundi maging sa ating buong pagkatao. Siya nga ang tinapay na nagbibigay sa atin ng lakas upang makilahok, manindigan at kumilos para sa kapakanan ng nakararami.

cris ofm
TUTOL SA PAGTATAYO NG LAIBAN DAM!

Panoorin ang Bible Study mula kay Fr. Cielito Almazan OFM ng OFM Philippines sa pag-click ng link sa ibaba
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/49