Tuesday, September 29, 2009

LATEST OFFICIAL REPORT ON CASUALTIES OF TYPHOON ONDOY IN TANAY RIZAL

Nasa ibaba po ang listahan ng mga kababayan nating taga-Tanay na naging biktima ng bagyong Ondoy noong Sabado September 26, 2009. Nakalap po ito sa Tanggapan ng Punong Bayan ng Tanay sa pakikipagtulungan ni Ms. Lanie Pacardo. Click lang po ninyo ang html image file sa ibaba upang basahin nang mas malalaki ang letra. Ang listahan po ang pinalahuling ulat sa oras na alas 12 ngayong Miyerkoles September 30, 2009

Ayon daw po sa patakaran ng pamahalaan, maaari lamang daw pong mailathala ang mga pangalan ng nasawi kung ang mga kamag-anak nila ay unang naabisuhan na o nakapag-identify na sa kanila. Sa mga may nais pong makipag-ugnayan tungkol dito, magtungo po kayo sa tanggapan ng Municipal Social Work and Development sa Pamahalaang Bayan ng Tanay. ANG MGA DATOS PO SA PLAZA ALDEA AT WAWA NA MAY NAKASULAT NA "*Pick up" AY NANGANGAHULUGAN PO NA SA PLAZA ALDEA AT WAWA PO NAKITA ANG LABI NG MGA BIKTIMA NGUNIT HINDI PO SILA TAGA ROON AT HINDI PA ALAM KUNG SAAN SILA NAGMULA SA PAGKAKAANOD.Dahil marami pa pong hindi identified na casualties ay hanggang listahan po lamang ng dami ng mga biktima ang pwedeng ilathala sa ngayon. Marami daw po ang hindi na talaga ma-identify at matapos kunan ng larawan ay inililibing na sa sama-samang libingan. IPAGDASAL PO NATIN ANG ATING MGA KABABAYAN NA LUBHANG TINAMAAN NG LUPIT NG BAGYONG ONDOY. MAGMADALI PO TAYO SA PAGBIBIGAY NG TULONG SA KANILA SA PARAANG INYONG NAIS. SINISIKAP PO NA ILATHALA DITO ANG IBA IBANG PARAAN SA PAGBIBIGAY TULONG. ISUKO PO NATIN SA PANGINOON ANG PAGKAKAISA SA MADALIANG PAGBIBIGAY TULONG. GABAYAN PO NINYO KAMI PATRONG SAN ILDEFONSO !

Thursday, September 24, 2009

Reflections on the 26th Sunday September 27, 2009 forwarded by Fr. Cris OFM HS94 in Jerusalem


Ang mabuting hangarin na nilalakipan ng mabuting gawa ay maaaring magbuklod sa atin bilang mga taga sunod ni Hesus, saan mang samahan tayo napapabilang. Ang bawat nagnanais at nagsisikap na gumawa ng mabuti para sa kapwa ay kabilang sa samahang binibigyang-patnubay ni Hesus. Ang palatandaan na tayo ay nagiging daluyan na ng kabutihang nagmumula sa Diyos ay kapag nagsisimula na nating makita ang iba na hindi na iba.

cris ofm
SHALOM


Panoorin ang isang powerpoint "Bible Reading" mula kay Fr. Cielito Almazan OFM ng OFM Philippines sa pag-CLICK ng LINK sa ibaba.
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/69

Sunday, September 20, 2009

Reflections on 25th Sunday, Sept. 20, 2009, forwarded by Fr. Cris, in Jerusalem


Sa pamamagitan ng isang paslit ay itinuro ni Hesus sa kanyang mga alagad ang daan tungo sa kadakilaan. Ang pagyakap ni Hesus sa bata ay tanda ng kanyang ganap na pagtanggap dito. Ito ay nagpapahayag na ang tunay na kadakilaan ay di natin matatagpuan sa kapangyarihan, yaman at katanyagan. Sa halip, ito ay ating matatagpuan sa pagtanggap sa bawat "paslit" na nangangailangan ng ating pagyakap at pagkalinga.

cris ofm
SHANAT SHALOM

Tunghayan ang isang powerpoint "Bible Study" mula kay Fr. Cielito Almazan OFM ng OFM Philippines sa pag-CLICK ng LINK na sumusunod:
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/67

Friday, September 11, 2009

Reflections on 24th Sunday, Sept. 13, 2009, forwarded by Fr. Cris, in Jerusalem


Katulad ni Pedro, madali nating maipahayag na si Hesus ay ang Mesiyas dahil kilala natin sya bilang Hesus na gumagawa ng himala. Kalahati pa lamang ito ng larawang nais ipakita sa atin ng ebanghelyo ayon kay Marcos. Nasa kalagitnaan na tayo ngayon ng ebanghelyong ito. Ipinakikilala na si Hesus bilang Hesus na kailangang maghirap at mamatay. Sa bandang huli, kapag naganap na ang kanyang paghihirap at kamatayan, masasagot pa rin kaya natin ang tanong na sino sya para sa atin sa parehong paraan?

O kagaya rin kaya ni Pedro, nanaisin kaya nating hadlangan din ang landas ni Hesus?

cris ofm
SHALOM


Pagninilay sa tulong ng isang powerpoint na Aral Bibliya mula kay Fr. Cielito Almazan ay makikita sa pag click ng ugnay sa ibaba
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/64

Friday, September 4, 2009

Reflections on 23rd Sunday, Sept. 6, 2009, forwarded by Fr. Cris, in Jerusalem


Harinawa'y patuloy tayong tumanggap ng kagalingan mula kay Hesus. Nawa'y mabuksang ganap ang ating pandinig sa mga nangyayari sa ating paligid at maging tinig tayo para sa mga walang kakayahang magsalita sa ating lipunan. Sa ganitong paraa'y mababawasan ang mga taong pinamamayanihan na ng takot at pangamba. Sa ganitong paraa'y maitatampok ang Diyos na mayroong pagkiling at kumakalinga sa mga aba.

cris ofm
SHALOM



Tingnan ang isang powerpoint Bible Study mula kay Fr. Cielito Almazan ng OFM Philippines sa pag- Click ng "LINK" sa ibaba.

http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/63

Panoorin din ang awit para sa Linggong ito sa ugnay o link na ito
http://www.youtube.com/watch?v=LecAQyAdhvs

pinost ni mcsicaa noong ika 5, ng Setyembre, 2009