Tuesday, September 29, 2009

LATEST OFFICIAL REPORT ON CASUALTIES OF TYPHOON ONDOY IN TANAY RIZAL

Nasa ibaba po ang listahan ng mga kababayan nating taga-Tanay na naging biktima ng bagyong Ondoy noong Sabado September 26, 2009. Nakalap po ito sa Tanggapan ng Punong Bayan ng Tanay sa pakikipagtulungan ni Ms. Lanie Pacardo. Click lang po ninyo ang html image file sa ibaba upang basahin nang mas malalaki ang letra. Ang listahan po ang pinalahuling ulat sa oras na alas 12 ngayong Miyerkoles September 30, 2009

Ayon daw po sa patakaran ng pamahalaan, maaari lamang daw pong mailathala ang mga pangalan ng nasawi kung ang mga kamag-anak nila ay unang naabisuhan na o nakapag-identify na sa kanila. Sa mga may nais pong makipag-ugnayan tungkol dito, magtungo po kayo sa tanggapan ng Municipal Social Work and Development sa Pamahalaang Bayan ng Tanay. ANG MGA DATOS PO SA PLAZA ALDEA AT WAWA NA MAY NAKASULAT NA "*Pick up" AY NANGANGAHULUGAN PO NA SA PLAZA ALDEA AT WAWA PO NAKITA ANG LABI NG MGA BIKTIMA NGUNIT HINDI PO SILA TAGA ROON AT HINDI PA ALAM KUNG SAAN SILA NAGMULA SA PAGKAKAANOD.Dahil marami pa pong hindi identified na casualties ay hanggang listahan po lamang ng dami ng mga biktima ang pwedeng ilathala sa ngayon. Marami daw po ang hindi na talaga ma-identify at matapos kunan ng larawan ay inililibing na sa sama-samang libingan. IPAGDASAL PO NATIN ANG ATING MGA KABABAYAN NA LUBHANG TINAMAAN NG LUPIT NG BAGYONG ONDOY. MAGMADALI PO TAYO SA PAGBIBIGAY NG TULONG SA KANILA SA PARAANG INYONG NAIS. SINISIKAP PO NA ILATHALA DITO ANG IBA IBANG PARAAN SA PAGBIBIGAY TULONG. ISUKO PO NATIN SA PANGINOON ANG PAGKAKAISA SA MADALIANG PAGBIBIGAY TULONG. GABAYAN PO NINYO KAMI PATRONG SAN ILDEFONSO !

No comments:

Post a Comment