Friday, December 11, 2009

Reflections on the 3rd Sunday of Advent forwarded by Fr. Cris in Jerusalem


Mayroong uri ng galak na maaari lamang madama ng taong may pusong mapagpakumbaba. Harinawa'y lumago ang bawat isa sa biyaya ng kababaang-loob at nang sa gayun ay makabahagi rin ang bawat isa sa galak na dulot ng diwa ng Adbyento.

cris ofm
KAPAYAPAAN

Tunghayan ang isang "Bible Reading" sa powerpoint mula kay Fr. Cielito Almazan ng OFM Philippines sa pag CLICK ng LINK sa ibaba.
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/86

Friday, November 20, 2009

Reflections on Sunday, Feast of Christ the King forwarded by Fr. Cris now in Jerusalem


Siya na isinilang at naparito sa daigdig upang magbigay patotoo sa katotohanan, Sya ang Kristong Hari. Natanggap na ba natin Sya bilang Hari ng ating buhay? Anuman ang ating tugon, sasalaminin nito ang ginagawa nating paglilingkod sa isa't isa.

cris ofm
KAPAYAPAAN

Ang larawan po sa itaas ay kinunan noong Christ the King sa Tanay ng nakaraang taong 2008. Ang Pari po na may hawak ng monstrance sa pursisyon ay si Fr. Eric Ollague OFM ng HS Batch 1996. CLICK po ang larawan upang makitang may malaki.

Ang isa pong power point bible reading ukol sa Christ the King mula kay Fr. Cielito Almazan ng PFM Philippines ay makikita sa pag CLICK ng LINK na ito
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/85

Ang awitin po para sa Christ the King ay mapapanood sa pagclick ng link na ito
http://www.youtube.com/watch?v=1KPUMLZr7ng&translated=1

Ang salaysay po ng Ebanghelyo sa Linggong ito ay makikita sa bandang hulihan ng videong Charlton Heston Presents the Bible Part 19 sa link na ito
http://www.youtube.com/watch?v=NUb_KfZZPlU&feature=PlayList&p=E61D08153C85AF5F&index=18

Ang kabuuan po ng mcsicaa Charlton Heston Bible Video Playlist ay mapapanood sa
http://www.youtube.com/view_play_list?p=E61D08153C85AF5F

Ito po ay nakalathala sa
http://groups.yahoo.com/group/sicaa_comm/
Please click "JOIN THIS GROUP"

Maraming salamat po ulit kay Fr. Cris Pine OFM sa Jerusalem at kay Fr. Cielito Almazan OFM ng OFM Philippines. Isang mapagbunying Linggo ng Christ the King sa Lahat.

Mc for Christ.

Friday, November 13, 2009

Pagmumuni sa ika 33ng Linggo mula kay Fr Cris HS 94 sa Herusalem


Maaring palakihin ang larawan sa pag-click nito. Ito ay ang Obra Maestrang "Huling Paghuhukom" na lukis ni Michaelangelo.

Sa Lahat,

Ang mensahe ukol sa Salita ng Panginoon ay mula sa ating mahal na Fr. Cris OFM HS 94 na ngayon ay nasa Herusalem na na-forward sa sicaa_comm@yahoogroups.com.


"Ang lahat nga ay magwawakas maliban sa kanyang salita, na syang maghahatid sa isang bagong kaayusang pinamamayanihan ng kapayapaan at katarungan. Mayroong saysay ang bawat paghahandang ating ginagawa upang ganap na mayakap ang kaayusang ito sa kanyang muling pagbabalik."

cris ofm
KAPAYAPAAN


Tunghayan ang isang power point Bible Study mula kay Fr. Cielo Almazan ng OFM Philippines sa pag CLICK ng http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/84

Friday, November 6, 2009

Reflections on 32nd Sunday forwarded by Fr. Cris Pine, Jerusalem


Muli nating suriin ang ating mga sarili. Magkaiba ang pagbabawas ng kung ano ang labis at ang pagiging mapagbigay.

cris ofm
KAPAYAPAAN

Masdan ang isang powerpoint "Bible Reading" mula kay Fr. Cielito Almazan sa pag "CLICK" ng "LINK" sa ibaba
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/83

Saturday, October 31, 2009

Reflections on All Saints' Day Nov. 1, 2009 from Fr. Cris Pine OFM, Jerusalem


Muli nating pagtibayin ang ating ugnayan sa mga banal, at i-alay ang ating mga panalangin para sa mga nauna na sa atin.

cris ofm
SHALOM

Tunghayan ang isang power point na Aral Biblia mula kay Fr. Cielito Almazan ng OFM Philippines sa pamamagitan ng pag CLICK sa LINK na sumusunod
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/82

Friday, October 23, 2009

Reflections on 30th Sunday, Oct. 25, 2009, forwarded by Fr. Cris, in Jerusalem

Isang bulag na nasa tabing-daan. Isang matibay na pananampalatayang naghahayag na si Hesussa kanya. Bagay na di ipinagkakait ng Diyos sa mga tumatawag sa Kanya. ang katuparan ng pangako ng Ama. Sa kagaya ni Bartimaeus, ang pangakong ito nangangahulugan ng awa at habag. Bagay na di ipinagkait ni Hesus

cris ofm
SHALOM

Click ang "Link" para sa isang powerpoint Bible Reading mula kay Fr. Cielito Almazan ng OFM Philippines http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/81

Church of St. Patrick in San Francsisco

Dear Ate Fleur,
In 1995. I had an opportunity to hear morning Mass at the St. Patrick Church across the Moscone Center in San Francisco. The people hearing Mass were obviously Spanish as they were so formally dressed. In the Bulletin Board of the Church were posters regarding their campaign for retoration work for the church.


Across St. Patrick Is Moscone Center and further across is the San Francsisco Museum of Modern Art where I spent almost half that day to enjoy the architecture of Italian Modern Architect Mario Botta and the rich collections of Modern Art in it.



The best feature of the SFMOMA that I like is the bridge acroos the ligh atrium at the center where prople seem to float in space as they cross it.


I went to the place by BART from Hayward where Rory lived. My stay was very brief and the next morning Rory, Ben, and daughter Kristen gave me a tour of other places including Pier 39. Just sharing some memories.

Mc

Friday, October 16, 2009

Reflections on the 29th Sunday Oct. 18, 2009 forwarded by Fr. Cris OFM in Jerusalem


Habang marami ang nag-aagawan sa posisyon at kapangyarihan, ipinaalala muli sa atin ni Hesus na ang tunay na kadakilaan ay wala sa anumang katatayuan sa buhay. Matatagpuan ito sa ganap na pagsusuko ng sarili sa Diyos, ang unang hakbang upang tayo ay makapaglingkod sa isa't isa na malaya sa anumang pansariling hangarin.

cris ofm
SHALOM

Panoorin ang power point Bible Reading mula kay Fr. Cielito Almazan ng OFM Philippines sa pag-click ng LINK na sumusunod
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/80

Nilathala sa mula sa sicaa_comm@yahoogriups.com
mcsicaa 9:00 nu Octubre 17, 2009

Friday, October 9, 2009

Reflections on the 28th Sunday, Oct. 11, 2009 forwaeded by Fr. Cris Pine OFM in Jerusalem


Ang Diyos ay mabuti. Ipinadarama nya ang kanyang kabutihan sa lahat. Ang kabutihang ito ay kailangan lamang na patuloy na dumaloy mula sa nakadarama na nito patungo sa nangangailangan pa. Minsan ay napuputol ang pagdaloy ng kabutihang ito sa bawat isa sa atin. Sa mga pagkakataong nagyayaring sa atin napuputol ang pagdaloy ng kabutihang ito, malamang ay kinakapos tayo sa pagmamahal, o kaya ay sa karunungang nagsasabi sa atin na mayroon pang higit na mahalga kaysa sa anumang pandaigdig na yaman.

cris ofm
SHALOM

Click the following link to view a Power Point Bible Study from Fr. Cielito Almazan OFM from OFM Philippines
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/78

Friday, October 2, 2009

Reflections on 27th Sunday, Oct. 4, 2009, forwarded by Fr. Cris, in Jerusalem


Dalawa ang malinaw na nais ni Hesus na ating pahalagahan sa ating ebanghelyo ngayon: ang pagmamahalan ng mag-asawa at ang pagnanais ng mga bata na lumapit sa kanya. Ang una ay ang pundasyon ng matatag na pamilya. Ang pangalawa ay maaring mangahulugan ng panliunang hangarin ng mga maliliit na mabago ang sistema sa lipunang kanilang ginagalawan.

Ang pagbabagong inilulunsad ni Hesus ay pagbabagong nagbibigay-proteksy on sa buhay lalo ng karaniwang tao. Maging ito man ay sa kanyang tahanan o sa kanyang pamayanan. Ano ngayon ang ipinahihiwatig sa atin ng ebanghelyo sa harap ng mga nawalan ng asawa, sa mga nawalan ng magulang, sa mga nawalan ng anak na dulot ng kalamidad na sa ating lipunan din nagmula?

cris ofm
SHALOM

PANOORIN ANG POWEPOINT BIBLE STUDY MULA KAY FR. CIELITO ALMAZAN OFM NG OFM PHILIPPINES SA PAG-CLICK NG SUMUSUNOD NA LINK :
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/77


San Fransisko ng Assisi, Pintakasi ng Kalikasan, ipanalangin mo kami...

Tuesday, September 29, 2009

LATEST OFFICIAL REPORT ON CASUALTIES OF TYPHOON ONDOY IN TANAY RIZAL

Nasa ibaba po ang listahan ng mga kababayan nating taga-Tanay na naging biktima ng bagyong Ondoy noong Sabado September 26, 2009. Nakalap po ito sa Tanggapan ng Punong Bayan ng Tanay sa pakikipagtulungan ni Ms. Lanie Pacardo. Click lang po ninyo ang html image file sa ibaba upang basahin nang mas malalaki ang letra. Ang listahan po ang pinalahuling ulat sa oras na alas 12 ngayong Miyerkoles September 30, 2009

Ayon daw po sa patakaran ng pamahalaan, maaari lamang daw pong mailathala ang mga pangalan ng nasawi kung ang mga kamag-anak nila ay unang naabisuhan na o nakapag-identify na sa kanila. Sa mga may nais pong makipag-ugnayan tungkol dito, magtungo po kayo sa tanggapan ng Municipal Social Work and Development sa Pamahalaang Bayan ng Tanay. ANG MGA DATOS PO SA PLAZA ALDEA AT WAWA NA MAY NAKASULAT NA "*Pick up" AY NANGANGAHULUGAN PO NA SA PLAZA ALDEA AT WAWA PO NAKITA ANG LABI NG MGA BIKTIMA NGUNIT HINDI PO SILA TAGA ROON AT HINDI PA ALAM KUNG SAAN SILA NAGMULA SA PAGKAKAANOD.Dahil marami pa pong hindi identified na casualties ay hanggang listahan po lamang ng dami ng mga biktima ang pwedeng ilathala sa ngayon. Marami daw po ang hindi na talaga ma-identify at matapos kunan ng larawan ay inililibing na sa sama-samang libingan. IPAGDASAL PO NATIN ANG ATING MGA KABABAYAN NA LUBHANG TINAMAAN NG LUPIT NG BAGYONG ONDOY. MAGMADALI PO TAYO SA PAGBIBIGAY NG TULONG SA KANILA SA PARAANG INYONG NAIS. SINISIKAP PO NA ILATHALA DITO ANG IBA IBANG PARAAN SA PAGBIBIGAY TULONG. ISUKO PO NATIN SA PANGINOON ANG PAGKAKAISA SA MADALIANG PAGBIBIGAY TULONG. GABAYAN PO NINYO KAMI PATRONG SAN ILDEFONSO !

Thursday, September 24, 2009

Reflections on the 26th Sunday September 27, 2009 forwarded by Fr. Cris OFM HS94 in Jerusalem


Ang mabuting hangarin na nilalakipan ng mabuting gawa ay maaaring magbuklod sa atin bilang mga taga sunod ni Hesus, saan mang samahan tayo napapabilang. Ang bawat nagnanais at nagsisikap na gumawa ng mabuti para sa kapwa ay kabilang sa samahang binibigyang-patnubay ni Hesus. Ang palatandaan na tayo ay nagiging daluyan na ng kabutihang nagmumula sa Diyos ay kapag nagsisimula na nating makita ang iba na hindi na iba.

cris ofm
SHALOM


Panoorin ang isang powerpoint "Bible Reading" mula kay Fr. Cielito Almazan OFM ng OFM Philippines sa pag-CLICK ng LINK sa ibaba.
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/69

Sunday, September 20, 2009

Reflections on 25th Sunday, Sept. 20, 2009, forwarded by Fr. Cris, in Jerusalem


Sa pamamagitan ng isang paslit ay itinuro ni Hesus sa kanyang mga alagad ang daan tungo sa kadakilaan. Ang pagyakap ni Hesus sa bata ay tanda ng kanyang ganap na pagtanggap dito. Ito ay nagpapahayag na ang tunay na kadakilaan ay di natin matatagpuan sa kapangyarihan, yaman at katanyagan. Sa halip, ito ay ating matatagpuan sa pagtanggap sa bawat "paslit" na nangangailangan ng ating pagyakap at pagkalinga.

cris ofm
SHANAT SHALOM

Tunghayan ang isang powerpoint "Bible Study" mula kay Fr. Cielito Almazan OFM ng OFM Philippines sa pag-CLICK ng LINK na sumusunod:
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/67

Friday, September 11, 2009

Reflections on 24th Sunday, Sept. 13, 2009, forwarded by Fr. Cris, in Jerusalem


Katulad ni Pedro, madali nating maipahayag na si Hesus ay ang Mesiyas dahil kilala natin sya bilang Hesus na gumagawa ng himala. Kalahati pa lamang ito ng larawang nais ipakita sa atin ng ebanghelyo ayon kay Marcos. Nasa kalagitnaan na tayo ngayon ng ebanghelyong ito. Ipinakikilala na si Hesus bilang Hesus na kailangang maghirap at mamatay. Sa bandang huli, kapag naganap na ang kanyang paghihirap at kamatayan, masasagot pa rin kaya natin ang tanong na sino sya para sa atin sa parehong paraan?

O kagaya rin kaya ni Pedro, nanaisin kaya nating hadlangan din ang landas ni Hesus?

cris ofm
SHALOM


Pagninilay sa tulong ng isang powerpoint na Aral Bibliya mula kay Fr. Cielito Almazan ay makikita sa pag click ng ugnay sa ibaba
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/64

Friday, September 4, 2009

Reflections on 23rd Sunday, Sept. 6, 2009, forwarded by Fr. Cris, in Jerusalem


Harinawa'y patuloy tayong tumanggap ng kagalingan mula kay Hesus. Nawa'y mabuksang ganap ang ating pandinig sa mga nangyayari sa ating paligid at maging tinig tayo para sa mga walang kakayahang magsalita sa ating lipunan. Sa ganitong paraa'y mababawasan ang mga taong pinamamayanihan na ng takot at pangamba. Sa ganitong paraa'y maitatampok ang Diyos na mayroong pagkiling at kumakalinga sa mga aba.

cris ofm
SHALOM



Tingnan ang isang powerpoint Bible Study mula kay Fr. Cielito Almazan ng OFM Philippines sa pag- Click ng "LINK" sa ibaba.

http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/63

Panoorin din ang awit para sa Linggong ito sa ugnay o link na ito
http://www.youtube.com/watch?v=LecAQyAdhvs

pinost ni mcsicaa noong ika 5, ng Setyembre, 2009

Friday, August 28, 2009

Pagmumuni sa ika 22 Linggo fw ni Fr. Cris Pine OFM HS94, Jerusalem


Higit na masusukat ang lalim ng ating pananalig hindi sa mga panlabas na gampaning pangrelihiyon na namamalas mula sa ating buhay pananampalataya. Lalo na kung ginagawa natin ang mga ito sa makasariling dahilan. Ang ating pananampalataya ay titimbangin sa pagkalingang ating naipadarama sa mga balo at ulila, at sa marami pang dukha na napagsasamantalahan sa lipunan-- minsan maging sa ngalan ng relihiyon.

cris ofm
SHALOM

Panoorin ang isang power point "BIBLE READING" mula kay Fr Cielito Almazan OFM ng OFM Philippines sa pag "Click" ng "LINK" sa ibaba.
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/60

Friday, August 21, 2009

Pagmumuni sa ika 21 Linggong Pangkaraniwan mula kay Fr. Cris sa Jerusalem


Saan nga ba tayo patutungo? Na kay Hesus ang mga salita ng buhay na walang hanggan. Marami ang hindi makatanggap sa kanyang salita dahil sa kaakibat nitong hamon na dapat gampanan. Sya ang salita at sya rin ang tinapay. Ang hamon ay ang ating mapagsumikapang i-ayon ang ating buhay sa pananampalatayang ating ipinahahayag, buhay na magsisilbing tinapay para sa ikabubuhay ng kapwa.

cris ofm
SHALOM


Panoorin ang isang powerpoint "Bible Reading" mula kay Fr. Cielito Almazan OFM ng OFM Pilipinas sa pag-klik ng "link" sa ibaba.
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/58

Sunday, August 16, 2009

Reflections on 20th Sunday forwarded by Fr. Cris Pine OFM HS94, Jerusalem


Ang pagtanggap kay Hesus bilang tinapay na nagbibigay-buhay ay isang paanyaya para sa isang malalim na pakikipag-ugnayan sa kanya. Ito ay nagangahulugan na tayo ay maging kagaya Niya na sya nating tinatanngap, na laging handang mag-alay ng sarili. Ang tumatanggap sa kanya ay hindi hiwalay sa kanya. Ang nag-aalay ng sarili ay may buhay na walang hanggan.


cris ofm
SHALOM

Panoorin ang isang powerpoint bible reading mula kay Fr. Cielito Almazan OFM ng OFM Philippines sa pagKLIK ng "link" sa ibaba
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/57

Pinost ni mcsicaa ngayon lamang dahil sa pagkakaroon ng problema sa computer mula Biyernes hanggang Linggo. Pasensya na po.

Friday, August 7, 2009

From Jerusalem : Reflections on 19th Sunday Forwarded by Fr. Cris Pine OFM HS94


Ang bawat himala na ipinamalas ni Hesus ay paanyaya sa pagbabago ng kalooban. Ang himala ng pagpaparami ng tinapay ay di lamang nagtatapos sa pagkabusog ng mga taong kanyang pinakain, ito ay nagpapatuloy sa usapin ng pagtanggap o hindi pagtanggap sa kanya bilang tinapay na bumaba mula sa langit.

Kapag tunay nating natanggap na sya mismo ay bumaba upang mayroon tayong mapagbahaginan ay matutunan din nating bumaba para mayroon din namang mapagbahaginan ang iba. Ang ganito ay isang napakagandang himala.

cris ofm
SHABBAT SHALOM

Panoorin ang isang poerpoint bible reading mula kay Fr. Cielito Almazan ng OFM Philippines pag-"CLICK" ng
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/50

Pakinggan ang isang music video na pinamagatang "JESUS THE BREAD OF LIFE"
sa pag "CLICK" ng "LINK" na ito.
http://www.youtube.com/watch?v=o2gQawQ7F0A&feature=related

Maraming salamat kay Fr. Cris Pine OFM na nagforward ng Reflections na ito.
Mapayapang "week-end" sa LAHAT
mcsicaa

Saturday, August 1, 2009

Reflections for 18th Sunday forwarded by Fr. Cris Pine OFM HS94, Jerusalem


Si Hesus ang tinapay ng buhay, ang pagkaing pumupuno hindi lamang sa pangangailangan ng ating gutom na katawan kundi maging sa ating buong pagkatao. Siya nga ang tinapay na nagbibigay sa atin ng lakas upang makilahok, manindigan at kumilos para sa kapakanan ng nakararami.

cris ofm
TUTOL SA PAGTATAYO NG LAIBAN DAM!

Panoorin ang Bible Study mula kay Fr. Cielito Almazan OFM ng OFM Philippines sa pag-click ng link sa ibaba
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/49

Saturday, July 25, 2009

Reflections for 17th Sunday forwarded by Fr. Cris Pine OFM HS94, Italy


Paano nga ba natin maisasabuhay ang diwa ng ating Ebanghelyo para sa Linggong ito? Mayroong itinuturo sa atin ang ating mga kapatid na katutubo, sila na madalas ay pangunahing biktima sa napakarami nating mga proyekto.

Ang isang gatang na bigas ay sapat sa marami, sa kakaunti ay kulang...

cris ofm
SHALOM

Tanghayan ang isang powerpoint "Bible Study" mula kay Fr. Cielito Almazan ng OFM Philippines sa pag-"CLICK" ng link na ito sa baba.
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/42

Friday, July 17, 2009

Reflections on 16th Sunday forwarded by Fr. Cris Pine OFM HS94, Italy


Ang mapagkalooban ng mga pinunong tunay na magsasaalang- alang sa kapakanan ng naghihirap na sambayanan, ito ang ating dasal. Ang habag at malasakit na ipinadama ni Hesus ay mamalas rin nawa mula sa mga namumuno sa atin sa ngayon.


cris ofm
SHALOM

Panoorin ang isang Powerpoint Bible Reading mula kay Fr. Cielito Almazan OFM ng OFM Philippines sa pag-CLICK ng link na ito
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/41

Friday, July 10, 2009

Reflections on 15th Sunday forwarded by Fr Cris Pine OFM HS94, Italy


Inaanyayahan tayong makibahagi sa misyon. Kasama sa paanyayang ito ang ang hamon na patuloy na magpanibago, mamuhay sa kalayaan at maghatid ng kagalingan sa kapwa. Ngayon ang paanyaya. Ngayon din ang tugon.

cris ofm
SHALOM

click the link below to view a power point Bib;e Readng prepared by Fr. Cielito Almazan OFM of OFM Philippines.
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/40

Saturday, July 4, 2009

Reflections on 14th Sunday forwarded by Fr. Cris Pine OFM HS94, Italy


Madalas ay mahirap para sa atin na makita ang kapangyarihan ng Diyos sa kung ano ang karaniwan. Kaya mahirap din nating matanggap ang mga propeta na nasa ating paligid.

cris ofm
SHALOM

Panoorin ang isang "Power Point" Bible reading sa pag-click ng link na ito
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/39

Saturday, June 27, 2009

Reflections on 13th Sunday forwarded by Fr. Cris Pine OFM HS94, Italy


Maaaring mapagnilayan na di lamang ang anak ni Jairo ang binuhay ni Hesus, kundi maging si Jairo mismo. Ang paghuhubad ng anumang katatayuan sa lipunan upang mabuhay ang iba ay isa ring pagbangon mula sa kamatayan.

cris ofm
SHALOM

Pnoorin ang isang Power Point Bible Study mula kay Fr. Cielo Almazan OFM ng OFM Philippines sa pag-click ng "Link sa ibaba
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/38/

Friday, June 19, 2009

Reflections on 12th Sunday forwarded by Fr. Cris Pine OFM HS94, Italy


Madalas ay kinakapos tayo sa kakayahang harapin ang samu't saring "unos ng buhay" na nasa ating paligid sa kadahilanang di natin magawang harapin muna ang mga "unos" na nasa ating mga sarili. Kay Hesus nga matatagpuan ang kaligtasang hatid ng pagkakaroon ng kapanatagan ng loob, maging sa gitna ng anumang "unos".

cris ofm
SHALOM

Panoorin ang isang Power Point Bible Study mula kay Fr. Cielo Almazan OFM ng OFM Pilippines sa pag-click ng http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/36

Pakinggan at panoorin din ang ilang awit na suggested ni Fr. Cielo
Biyayang Mula sa 'yo, Franciscan Dream Chorale
http://www.youtube.com/watch?v=NxbmC_LVJrQ

Be Not Afraid, I go before you always
http://www.youtube.com/watch?v=QBH-Eh9Bjjg

Happy Father's Day to All Papas, Daddys, Tatays, Papangs, Erpats, Apas, Fathers All !

McSicaa

p.s. Please visit th sicaa yahoo group at http://groups.yahoo.com/group/sicaa_comm/
After browsing, in joining, please state your name and batch year. Thanks again !

Thursday, June 18, 2009

Happy Birthday Monsignor Peter C. Canonero


Our prayers and best wishes for continuing success in your journey towards God's given role in the formation of the lives of our children.
We dedicate this song for your Birthday ! Please click the following link http://www.youtube.com/watch?v=p6pphVs8bF0

June 29, 2009

Sunday, June 14, 2009

Reflections on Sunday of Corpus Christi forwarded by Fr. Cris Pine OFM HS94, Italy


Ang bawat pagkakataon nawa na ating tinatanggap si Kristo sa pagdiriwang ng Eukaristiya, sa pamamagitan ng kanyang kabanal-banalang katawan at dugo, ang mag-akay sa atin upang ating matutunang ibahagi ang ating sarili, kahit pa mangahulugan pa ito ng pagkakahati o pagkakapira- piraso ng kung anong mayroon tayo.

cris ofm
SHALOM

Upang makita ang isang Power Point Bible Study sa Linggo ng Corpus Christi, mangyaring click lamang ang sumusunod na link :
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/35

Wednesday, June 10, 2009

Mga Himig sa Araw ng Kalayaan


Pakinggan at panoorin ang sampung vidyo musika na may dalang kaugnay na tema sa Araw ng Kalayaan na ipinagdiriwang natin sa ika 12 ng Hunyo 2009. Isang masaya at mapagbunying Araw ng Kalayaan sa lahat !

Klik lang po ang sumusunod na "link" para panoorin
http://www.youtube.com/view_play_list?p=E970638D0D0F3020

Saturday, June 6, 2009

Reflections on Trinity Sunday, June 7, 2009 forwarded by Fr. Cris Pine OFM of SIC HS94 now in Italy


Ang Diyos ay Ugnayan.

Niloob nyang tayo ay makabahagi sa ugnayang ito; at patuloy na binibigyan ng pagkakataong matagpuan ang ating kaganapan sa pagsasabuhay ng diwa nito sa konteksto na ating pamilya, mga kaibigan at komunidad.

Sya mismo ang halimbawa.

cris ofm
SHALOM

Please Click http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/33

Saturday, May 30, 2009

[sicaa_comm] Reflections on Pentecost Sunday forwarded by Fr, Cris Pine OFM SICHS94 in Italy


Ang Banal na Espiritu nga ang sya nating gabay, ang Espiritu ng katotohanan na umaakay sa atin patungo sa pagtanggap sa kung anong totoo sa ating buhay at pagkatao.

Ito ay kaugnay ng katotohanang tinatanggap at minamahal tayo ng Diyos nang wlang pasubali. At ang anumang kabutihan na maipadarama natin sa kapwa ay ang ating malayang tugon sa kanyang pagtanggap at pagmamahal. Ang namumuhay sa Espiritu ay tumutugon nang malaya sa kabutihang ipinadarama ng Diyos sa kanya.

cris ofm
SHALOM

To view a Power Point Bible Reading prepared by Fr. Cielito Almazan OFM please click the following link :http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/29

Saturday, May 23, 2009

Reflections on Ascension Sunday forwarded by Fr. Cris Pine OFM HS94 from Italy

CLICK THIS LINK to view Reflections forwarded by Fr. Cris http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/26/

walang pangangailangan na tayo ay manatili na lamang na palagiang nakatingala. patuloy at magpapatuloy, sa atin, ang kanyang mga nasimulan.

ito ang kahulugan ng pagiging alagad na nabubuhay ng kanyang nakapagpapanibagong presensya.

cris ofm
SHALOM

Saturday, May 16, 2009

Reflections on the 6th Sunday of Easter from Fr. Cris Pine OFM HS94 from Italy

Ang ugnayan ng mabuting pastol sa kanyang mga tupa, ng puno sa kanyang mga sanga ay ugnayan ng paglalaan ng buhay. Ito rin ang ugnayan ni Hesus sa atin, sa atin na itinuring nyang mga kaibigan, sa atin na pinaglaanan nya ng buhay sa diwa ng pag-ibig na wala nang makapapantay.

Pag-ibig. Ito ang panuntunan. Ito ang ating tatak bilang kanyang mga alagad.

cris ofm
SHALOM

View a Bible Study by clicking this link
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/24/

Tuesday, May 5, 2009

SICAA in America Donates Two (2) Microscopes to San Ildefonso College in 2009

The donations of SICAA in America were presented during the Open House of the Alma Mater on the celebration of its 91st Foundation Day Anniversary on April 6, 2009. Photos courtesy of SIC Library Head Ms. Minnie Matienzo-Delos Santos which I received on April 28, 2009. Please click on the images to enlarge them.

The Two State of the Art Microscopes were presented by Mr. Romy Cruz and Ms. Glo Cruz Santiago both Directors od San Ildefonso College Alumni Assocaition in America (SICAA) to Monsignor Canonero, San Idefonso College Presendent at the Rev. Fr. Arthur Price Library. Shown in photo from left to right : SICAA Membership Committee Chairman Arch Freddie Bendana Alfonso, SICAA Pres. Lanie Timtiman Santos, SICAAA Director Glo C. Santiago, SICAAA Director Romy Cruz, SIC President Msgr. Peter C. Canonero, SIC Finance Officer Sister Eileen Mediana, SIC Vice President Dr. Evangeline Macaso, Major Alfonso Bersario, SIC Guidance Center Head Ms. Annabelle Yun-Capistrano.

The Two (2) Microscopes were turned over to the Science Laboratory at the Our Lady of Guadalupe Building. Shown in the photo from left to right: SIC Head of Physical Facilities Ms. Leilani Ninonuevo, , SICAAA Director Romy Cruz, SIC Vice President Dr. Evangeline Macaso, SIC Guidance Center Head Ms. Annabelle Yun-Capistrano, . SICAA Membership Committee Chairman Arch Freddie Bendana Alfonso, SICAA Pres. Lanie Timtiman Santos, SIC Finance Officer Sister Eileen Mediana, and SICAAA Director Glo C. Santiago.

In the previous year 2008, SICAA in America donated One Refrigerator and a Range with Oven for the San Ildefonso College Home Economics Laboratory as show in these photos.



Saturday, May 2, 2009

[sicaa_comm] Reflections on the 4th Sunday of Easter forwarded by Fr. Cris Pine OFM from Italy


Ang mabuting pastol ay di lamang may kakayahang maglaan ng panahon upang hanapin ang nawawalang tupa at pagdaka'y kargahin ito sa kanyang balikat; may kakayahan din syang ilaan mismo ang kanyang buhay upang ipagtanggol ang kanyang kawan mula sa mga nagnanais na manira at pumatay. At handa nya ring ilaan ang kanyang lakas para sa ikapagkakaisa ng kanyang buong kawan.

cris ofm
SHALOM

Follow the link below to view a Bible Study by Fr. Cielito Almazan of OFM Philippines
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/17

ENROLLMENT GOING ON at San Ildefonso College



I first used the rainbow in July 2008 for the Video for SIC HS Class 1955 entitled "Somewhere Over the Rainbow" sung by Norah Jones which may be viewed at this link
http://www.youtube.com/watch?v=9qGke6AQ7dI&feature=channel_page
This rare photo from the collection of Dr. Milagros Ninonuevo of HS Class 1955 includes Fr. Arthur Price, Fr. McCarthy and the Members SIC College Associate in Arts Class of 1957.

Saturday, April 25, 2009

Reflections on the Third Sunday of Easter by Fr. Cris Pine OFM of SIC HS 94 from Rome, Italy


Sa biyaya ng muling pagkabuhay ay nadarama natin ang ganap na pakikiisa ni Hesus. Ito ay nagpapahayag ng kanyang kahandaan na samahan tayo di lamang sa katuparan ng ating mga pangarap kundi ang tayo rin ay damayan maging sa sandali ng kabiguan, upang muli at muli ay handugan tayo ng panibagong lakas at pag-asa.

cris ofm SHALOM

Click this link to View a Bible Reading from Fr. Cielito Almazan of OFM Philippines
http://mcsicaamultiply.multiply.com/journal/item/12

Tuesday, April 21, 2009

Aprii 22, 2009 : Happy Earth Day to All !

On the occasion of Earth Day 2009, mcsicaa has founded a new yahoogroup open to all Tanayans at this link http://groups.yahoo.com/group/earthtanay/